Opening Remarks given 10 June 2008 By Divina Hey-Gonzales, M.D. on the occasion of the opening of the Kolisko School for Steiner Education.
Magandang araw ng kalayaan sa inyong lahat!
Ang pagbubukas ng isang paaralan ay laging isang okasyon ng pag sasaya at pagdiriwang sapagkat ito’y dagdag na pagkakataon para sa edukasyon ng kabataan. Higit na pinagdiriwang ang pabubukas ng isang paaralang Waldorf o Rudolf Steiner. Di lamang mga tao ang nagagalak sa okasyon na ito. Pati ang mga anghel at iba pang mga spiritual beings ay nagsasaya rin.
Ika nga, nagbubunyi ang langit at lupa sa ibayong pag-asa na maibibigay sa pagpapalaki ng mga bata tungo sa pagiging tao na may sariling kakanyahan. Isang tao na Malaya at marunong mag mahal. Ito’y dahil sa ang edukasyong dala ng Waldorf o Steiner ay naka ugat mula sa pilosopiya ng Anthroposophy. Malinaw na ibinahagi sa atin ni Rudolf Steiner ang tunay na kabuuan ng ating katauhan. Ang Katagang “Anthropo” ay na ngangahulugnang “tao” at ang “Sophia” naman ay “wisdom” o “karunungan”. Ang anthroposophia ay ang tunay na kaalaman tungkol sa tao. Ito ang basehan ng prinsipyo ng kurrikulum at paraan ng patuturo sa paaralang Waldorf o Stiener.
Ang unang unang Waldorf School ay itinayo dahil sa pag hingi ng tulong ng may ari ng Waldorf Cigarette Factory kay Rudolf Steiner na magtatag ng paaralang angkop para sa pangangailangan ng mga bata upang sila ay maging ganap na tao. Ang unang mga mag-aaral ng paaralang ito ay ang mga anak ng mga trabahador sa Waldorf cigarette factory.
Isa sa mga pangunahing katuwang sa inisyatibong ito ay ang unang- unang manggagamot ng paaralang Waldorf na si Eugen Kolisko. Si kolisko ang nag saliksik at nag paunlad ng ideya at praktis na ang tunay na edukasyon ay nakakapagpapagaling at nakakapigil ng pagkakasakit ng tao.
Nuong 2006, naganap sa Pilipinas, sa St.Scholastica’s College ang isang pagtitipon ng mga manggagamot at teacher ang Kolisko Conference. Tinagurian itong Kolisko Conference sa pagbibigay dangal at karangalan kay Eugene Kolisko. Ang Kolisko Conference na ito ang nag bigay ng inspirasyon para sa isang grupo ng mga magulang sa Manila Waldorf School para ituloy at lalong pasiglahin ang group study na sinimulan mga dalawang tao na nakakaraan.
Nuong Pebrero ng taong 2007, itinatag ang Kolisko Foundation for Education, Inc. na binubuo ng 28 na katao na ang tanging mithi ay makatulong sa kumunidad sa paraang pag tatayo at pagsuporta ng mga paaralang Waldorf/Steiner. Di nag laon ang desisyon para magtayo ng bagong paaralang Waldorf sa Quezon City ay nabuo na rin.

Mahigit tatlong o apat na taon inipagbuntis o pinagdalangtao itong paaralang ito. Maraming tumulong na wala ngayon, ngunit sila ay malaking bahagi natin. Mga haligi na di man matanaw ay nagpapatuloy na nagbibigay ng lakas sa kung ano mang mayroon tayo ngayon. Ito ay sila Atty. Joey at Weena Mendoza, Philip at ching Camara, George at Susan Chiu, Atty. Carol at Danny Mercado, Beejay at Arlene Artajo, Vanessa at Aldem Saldana, Susan Calalay-Yniquez,
Marissa Raquiza, at iba pang maaring aking nakaligtaan.

Sa pag lingon ko sa nakaraan ng unang paaralang Kolisko sa Pilipinas, masasabi kong para itong isang sanggol na umiiyak at nasusumamamong maisilang. Maraming hirap at balakid ang prosesong ng pagsilang ngunit ito’s nailuluwal ding Masaya. Nagtugma ang panahon at ang konstelasyon ng mga tao. Maging ang kinatatayuan ng paaralang ito ay isang biyaya na di inaasahan. Saan ka makakahanap ng bahay at lupang php1,000 sq.m. sa gitna ng E. Rodriquez na pinapaupahan ng php 13,500 kada buwan? Ang unang 30 na magaaral ng paaralang ito ay tiyak na dahilan ng pagsisibol nito. Kasabay ng pagbubukas ng Kolisko School for Steiner Education sa Quezon City ay ang pagbubukas rin ng paaralang Steiner sa Batangas na aming tinutulungan din maitatagag.
Importante ring banggitin na nuong Oktubre ng nakaraang taon ay sinimulan rin sa St.Scholastica’s College ang Master of Arts in Education at Major in Steiner Elementary Education. Itinatag ito sa tulong ng Pedagogical Section sa Goetheanum at ng Institution for Practiced Based Research (IPF) sa Switzerland. Layon nitong tumulong sa pagaaral ng mga guro upsang mapanatili ang antas ng qualidad ng edukasyong Steiner.
Malaki ang hamon sa Kolisko School ngayon, lalong lalo na sa larangan ng pag sasanay ng mga guro at admin staff. Malaking hamon rin ang mabigyan ng pagkakataon ang maraming bata na makaranas ng Waldorf School.
Ang pagbubukas ng paaralang ito ay di magiging kumpleto kung di mabibigkas ang berso na aming binabangit sa umpisa at katapusan ng group study sa loob ng halos 2 taon. Inaanyayahan ko ang board ng KOFE na sabayan ako sa harap sa pagbigkas nito, Baba, Evangeline, Malou, Arns, Noemi, Techie, Annie, Eric ,Therese, Tess at Rowena.
Foundation stone for the first additional building of the Waldorf School in Stuttgart,
December 16th, 1921
May there reign here spirit-strength in love;
May there work here spirit-light in goodness;
Born from certainty of heart,
And from steadfastness of soul,
So that we may bring to young human beings
Bodily strength for work, inwardness of soul and
clarity of spirit.
May this place be consecrated to such a task;
May young minds and hearts here find
Servers of the light, endowed with strength,
Who will guard and cherish them.
Those who here lay the stone as a sign
Will think in their hearts of the spirit
That should reign in this place,
So that the foundation may be firm
Upon which there shall live and weave and work:
Wisdom that bestows freedom,
Strengthening spirit-power,
All-revealing spirit-life.
This we wish to affirm
In the name of Christ
With pure intent
And with good will:
No comments:
Post a Comment